WPU, inilunsad ang proyektong ‘WPUmbrella’ ngayong pagbubukas ng klase

Kasabay ng opisyal na pagbubukas ng klase para sa taong akademiko 2025-2026, pormal ding inilunsad ng Western Philippines University (WPU) sa Aborlan, ang proyektong “WPUmbrella” sa ginanap na flag raising ceremony nitong Lunes, Hunyo 7, 2025.

Ang nasabing proyekto ay isang pinagsamang inisyatibo ng Supreme Student Council (SSC) at ng Office of the University President (OUP), na naglalayong magbigay ng 1,000 payong na maaaring hiramin ng mga estudyante at kliyente ng WPU habang nasa loob ng unibersidad.

Layunin ng WPUmbrella na isulong ang pagiging handa, at pagpapalalim ng kulturang may malasakit sa kapwa.
Magtatalaga ng istasyon ng payong sa mga pangunahing bahagi ng kampus kung saan maaaring hiramin ngunit kailangang ibalik din ng estudyante matapos gamitin.
Exit mobile version