Pulis na nagtangkang magnakaw, pansamantalang lumaya

Pansamantala munang nakalaya ang pulis na kinilala na si Police Corporal Leonell Lazaro Maranan, na naaresto noong February 18, matapos madakip ng mga Barangay Tanod dahil sa panloloob nito sa hardware sa Barangay Sta. Maria, Gloria, Oriental Mindoro.

Kasong Attempted Robbery at violation of the Omnibus Election Code ang mga kasong isinampa laban sa pulis ngunit nakalaya ito matapos na makapaglagak ng pyansa sa halagang P36,000 bawat kaso nito nitong  February 22.

Ayon sa Police Regional Office Mimaropa, bagama’t nakapagpyansa at malaya na ang si Maranan ay maari pa rin itong masampahan ng kaso na administratibo.

Pinag-utos na ni Police Brigadier General SIDNEY S HERNIA, Regional Director ng PNP Mimaropa, sa lahat ng hepe sa buong region magsagawa ng intensified discipline at pagbabantay sa kanilang mga PNP personnel.

Exit mobile version