Todo-ensayo na ang 120 na mga manlalaro mula sa Puerto Princesa City na sasabak sa Palarong Pambansa 2019 sa Davao City sa ika-28 ng Abril hanggang sa ika-4 ng Mayo, kabilang na ang nakakuha ng gintong medalya sa archery sa nakaraang Palaro.
Hinikayat ng boxer na si Billy Ray Naelgas at archer na si John Laurence Michael Tatoy ang kanilang kapwa atleta na mag-ensayo pa ng maigi.
“Sa mga atleta, pagbutihan nyo ang pag-training nyo. Lakasan nyo lang ang loob at higit sa lahat magtiwala kayo kay Lord. Lagi kayong mag-pray para buo ang loob nyo kapag nasa labanan na kayo,” pahayag ni Naelgas, habang pagpapasalamat sa kanyang coaches tt sa mga nag-train at nagsuporta sa kanya.
“For the athletes of Puerto Princesa City, all I can say is, do not strive for perfection, strive for improvements,” pahayag namn ni Tatoy, isa sa mga nakakuha ng gintong medalya sa archery.
Pangaral pa nito na, “I played archery for five years and I only learned two things, and that is either you win or lose on the game, well of course if you win just be humble to the people who congratulate you for winning on the game you competed. If you lose on the game, charge your experience of losing on the game and review your mistakes and do it over again to win the game and I also learn that there is no such thing ‘sure win’, in this game exist because the target score is round, you’ll never know who and what kind of training your opponent did.”
Sa panayam kay Dr. Ferdinand Lagrada, City Sports Coordinator sa Puerto Princesa, ipinaalam nya na 120 ang bilang ng mga atleta mula sa Puerto Princesa na makikilahok sa paligsahan. Kabilang dito ang elementary level na may 39 na atleta at sa secondary level na may 81 na atleta.
Ayon sa kanya, ang naging proseso ng pagpili nila sa mga atleta ay base sa mga nakakuha ng mga gintong medalya sa nakalipas na MIMAROPA RAA Meet 2019.
“Yung team ng Puerto halimbawa nanalo ang team ng baseball. Kumpleto silang napili para lumaban sa Palarong Pambansa…Yung nanalo sa MIMAROPA ay sila din ang maglalaro para sa Palarong Pambansa,” ayon kay Dr. Lagrada.
Idinagdag pa nito na ang Palarong Pambansa ay labanan ng bawat rehiyon ng Pilipinas at ang rehiyon ng MIMAROPA IV-B ay magiging isang koponan na lalaban sa 16 na rehiyon ng Pilipinas.
Sa ngayon ay nagsisimula na ang trainings ng mga atleta bilang paghahanda sa Palarong Pambansa. At ang naging mensahe naman ni Dr, Lagrada para sa kanila ay mas paigihin pa ng mga atleta ang kumpyansa sa sarili hindi lamang para sa atleta ng Puerto Princesa kundi sa rehiyon ng MIMAROPA IV-B na maiangat pa ang ‘standing’ ng rehiyon ngayong taon sa Palarong Pambansa.