Nasa tamang pagsisimula. Ito ang nilalayon nang matagumpay na kauna-unahang meeting ng mga contractors na isinagawa kamakailan sa pangunguna ni Regional Director Gerald A. Pacanan, ng DPWH Rehiyon IV-B.
Sa pamamagitan ng pangkalahatang pulong, napag-usapan ang mga isyu at mga posibleng pamamaraan upang mapabilis ang implementasyon ng lahat ng proyekto ng rehiyon ngayong calendar year 2023.
Sa talakayan, hiniling din ng pamunuan ng DPWH Regional Office ang “full commitment” ng mga kontratista kasabay ng matamang pagtalima ng mga ito sa bawat polisiya batay sa ipinatutupad ng kagawaran kasama na ang mga kaakibat na batas, proseso at regulasyon ng iba’t-ibang ahensiya para sa isang proyekto.
Sa kanyang mensahe sa harap ng mga dumalo sa contractors’ meeting, sinabi ni RD Pacanan, “the contractors are the key partners in the successful implementation of projects and with their cooperation and close coordination, accomplishment of targets are attainable.”
Naging highlight ng pulong ay ang ceremonial contract signing ng 1st batch ng 2023 projects para sa mga nagwaging contractor ls sa ispesipikong proyekto o yaong mga compliant bidders ng kagawaran.
Ang aktibidad ay isa lamang sa napakaraming programa ng DPWH Region IVB na naglalayong makamit ang mission sa pamamagitan ng pagkakaloob ng de-kalidad na mga proyektong pang- imprastratura, pasilidad at serbisyo na tumutugon sa inaasahan ng bawat isang mamamayan ng bansa.