Magkakasa ng malawakang job fair sa buong bansa ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa June 12, Independence Day.
Sa MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan), Odiongan sa Romblon at San Jose sa Occidental Mindoro ang isa sa napiling pagdadausan ng aabot sa 21 job fairs sa 15 regions nationwide, ayon sa advisory ng DOLE nitong Miyerkules.
Ayon sa DOLE, iba’t ibang trabaho ang pwede nilang applayan kagaya ng production machine operators, production worker/factory workers, customer service representatives, call center agents, sewers, sales clerks, cashiers, delivery crews, service crews, at marketing officers.
May international destinations rin na pwedeng applyan kagaya ng cleaners, professional nurses (general), waiters/waitresses, service crews, company drivers, registered midwives, staff nurses, english teachers (Japan), janitress, barista, technicians (general), at nursing aides.
Magsisimula ang job fair pagpatak ng alas-8 ng umaga at matatapos pagdating ng alas-5 ng hapon.
Paalala ng Department of Labor and Employment, dalhin ang mga requirements sa pag-apply kagaya ng resume (bring multiple copies); 2 x 2 ID photo; photocopy ng training certificates; PRC license (if applicable); diploma (if applicable); at certificate of employment kung nagtrabaho na noon.