21-anyos na babae, pinatay ng kinakasama

Patay ang isang babae matapos pagsasaksakin ng kanyang kinakasama sa Purok Damayan, Barangay Panacan ll sa bayan ng Narra nuong Miyerkoles, Agusto 1.

Kinilala ang biktima na si Renalyn Casumlong, 21 anyos, habang ang suspek na ka live-in nito kinilala na si Robert Estores, residente sa Barangay Inagawan, Puerto Princesa. Base sa Report ng Narra MPS, nakita pa ang dalawa kahapon magkasama at pauwi sa inuupahang boarding house ng mga ito.

Laking gulat nalamang umano ng makita ng may-ari ng boarding house ang biktimang naliligo na sa sariling dugo. Samantala, patuloy naman nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang mga otoridad sa motibo ng pagpatay.

Kasalukuyan din nagsasagawa ng manhunt operation ang mga otoridad laban sa suspek.

Exit mobile version