Binawi ng national government ang una nitong pahayag kaugnay sa mga indibidwal na papayagang makalabas ng bahay sa mga lugar na nasa ilalim ng modified community quarantine o MGCQ.
Sa online advisory ng Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagkaroon ng pag-amyenda sa naunang kautusan.
Sa ilalim ng IATF Resolution No. 43, muling hindi pinapayagang lumabas ng mga bahay ang mga bata na nag-eedad 21 years old pababa at ang mga senior citizen na nag-eedad ng 60 years old pataas.
“Tungkol naman po sa galaw ng mga tao sa MGCQ kung saan nakasaad sa dating guideline na pinapayagan ang lahat na lumabas sa kanilang mga bahay ay nagkaroon po ng pag-amyenda rito. At ngayon po sa Resolution No.43, eh mananatiling hindi po dapat lumabas sa mga bahay ang mga bata, 21 years old and below at ang ating mga seniors, 60 years old and above subject po doon sa exception na kung kinakailangan for necessities and para magtrabaho,” pahayag ni Roque sa online advisory ng Malacañang.