Humihingi ng tulong ang babaeng lumuluha umano ng dugo sa Magsaysay sa isla ng Cuyo.
Ang 18 anyos na si Roxanne Gonzales ay nakakaranas ng pagluha ng dugo mula nung 10 taong gulang pa lang, ayon sa report na ipinalabas ng “Kapuso Mo Jessica Soho” nung Marso 1 sa GMA.
Ito ay nagreresulta sa pagkakaraon ng pangitain si Roxanne sa tuwing maglalabas ng dugo ang kanyang mata.
Sinabi ng naturang palabas na nagkakatotoo ang mga pangitain ni Gonzales sa tuwing nakakaranas ito na lumuha ng dugo na kadalasang tumatagal ng tatlong minuto.
Isa rito ang kapitbahay na nakita nyang nasa loob ng kabaong at isang kakilala na maaksidente sa motor na pawang lahat ay nagkatotoo.
Ipinasuri ng KMJS si Gonzales sa mga eksperto tulad ng Palawan Eye Clinic sa Puerto Princesa City at base sa mga opinion ng mga tumingin sa dalaga ay posibleng mayroon itong Von Willebrand Disease, ngunit kakailanganin pa ng maraming tests bago matiyak kung anung klaseng karamdaman mayroon si Roxanne.
Sabi ng Mayo Clinic, Von Willebrand disease is a “lifelong bleeding disorder in which your blood doesn’t clot well. People with the disease have low levels of von Willebrand factor, a protein that helps blood clot, or the protein doesn’t perform as it should.”
“Iniisip ko na lang na baka isang araw may mga dahilan yung mga nangyayari sa akin, dumating din yung tamang panahon para maranasan ko yung mga nararanasan ng ibang tao, yung kahit simpleng pamumuhay lang na hindi dumudugo ang mata, makapag aral ng maayos na walang problema,” sabi pa ni Gonzales.
Sa mga gustong magbigay ng tulong kay Roxanne, maari kayong mag deposito sa Metrobank Magsaysay, Account Name Alfredo C. Gonzales, Account Number 011-3-011-24626-6.