Natagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa loob ng isang maliit na bangka palutang-lutang sa karagatang sakop ng Tagalimog Island, Sofronio Española, Palawan.
Kinilala ang lalaki na si Alvin Sakam at residente ng Tawi-Tawi.
Sa impormasyon ipinaabot ng Española Municipal Police Station, ganap alas 8:20 ng umaga, Hunyo 20, 2018 nang ang naturang bangka ay nadaanan ng isang fishing boat, at agad itong ipinagbigay alam sa mga pulisya.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, lumalabas na sa tatlong araw na itong palutang lutang sa dagat at wala naman umanong foul play sa pangyayari. Posible raw na ang ikinamatay nito ay dahil sa dehydration at pagkagutom.
Sa pahayag naman ng isa sa kaanank nito na si Akmad Sakam, labing anim na araw na nawawala ang kanilang kaanak mula ng umalis ito patungong Bongao, Tawi-tawi para lamang sunduin ang lolo nito na may sakit.
Samantala, hiniling na rin ng kaanak ng biktima na ilibing nalamang ito base sa kultura ng Muslim.