Dalagitang ginahasa ng dalawang lalaki sa Taytay, nananawagan ng hustisya

TAYTAY, Palawan-Hustisya ang hinihiling ng isang 17 anyos na dalagita matapos mabiktima ng panggagahasa sa Barangay Poblacion dito sa bayan ng Taytay nitong nakaraang Lunes.

Base sa imbestigasyon, Lunes, July 30 pasado 12:30 a.m. kasama ng biktima ang kanyang kasintahan sa isang kubo ng dumating ang dalawang suspek at pinagsusuntok ng mga ito ang boyfriend ng biktima dahilan upang tumakas at naiwan si alyas Nene.

Dinala ng mga ito ang babae sa likod ng Fort Sta. Isabel at dito na ginawa ang panghahalay kung saan nakaranas pa ito ng tatlong suntok sa tiyan.

Agad naaresto ng rumespondeng pulis si Fernanjec Careño, 25 anyos.

Nakatakas naman ang isa pang suspek na si Rodgie Revillas. Nananawagan naman ang Taytay Municipal Police Station sa mga kabataan na huwag nang lumabas ng tahanan ng alanganing oras upang maiwasan ang ganitong krimen.

Exit mobile version