Governor Alvarez, tiniyak ang kapakanan ng mga Palaweño at ginagawa ng probinsya sa ilalim ng GCQ

Muling humarap sa mga Palaweño si Governor Jose Chaves Alvarez sa pamamagitan ng isang online presser upang ilatag at ipaalam sa lahat ang mga ginagawa at pokus ng pamahalaang panlalawigan ngayong nasa ilalim na ng general community quarantine (GCQ) ang probinsya.

PALAWAN SA LABAN SA COVID-19 PANDEMIC

Ipinagmalaki ni Governor Alvarez na isa sa flagship programs ng kanyang administrasyon ang pagtiyak sa kalusugan ng bawat Palaweño sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga ospital sa buong lalawigan.

Ayon kay Alvarez, kung hindi ito ginawa ng pamahalaang panlalawigan, ano pa kaya ang mangyayari sa lalawigan kung wala ang medical services na ito.

“We are lucky that the building of hospitals became one of my flagship programs since 2013. Just imagine, kung wala tayong sampung hospitals ngayon, wala tayong malinis na tubig na nagse-serbisyo d’yan sa hospital, kung dalawa lang ang hospital natin,” ani Governor Alvarez.

SA USAPIN NG MOLECULAR TESTING CENTERS AT MGA OSPITAL

“Right now, we are partially ready. Pag matapos ang molecular testing centers natin na apat, one here in Irawan sa ating rescue center ng ating province sa Southern Palawan at saka tatlo pa – isa sa Brooke’s, isa sa Roxas at isa sa El Nido,” dagdag ng gobernador.

Sa Puerto Princesa, natapos na anya ang ground breaking sa Barangay Irawan na may lawak na limang daang ektaryang lupain.

Sisimulan na anya ang mga gusali at nakalinya narin ang pagbili ng mga kagamitan para dito at sa oras na matapos na ang lahat ng ito, mayroon nang nakahandang COVID testing center ang Palawan.

“Pag natapos lahat ‘yan, mayroon na tayong COVID testing center na tayo ang nagmamando at sigurado natin na hindi tayo mag false-positive na test, na magpapakita tayo ng may COVID, ‘yun naman pala ay wala,” paliwanag ng ama ng lalawigan.

PONDO NG PALAWAN

Inilahad ng gobernador na walang dapat ikabahala sa pondo ang Palawan at maaari itong ma-realign sa ibang proyekto at programa na mas kinakailangan ng probinsya.

“Financially, we are very lucky that we have accumulated a lot of money in the provincial system including the trust fund that is provided by the national agencies for national projects. We have a P5 billion peso balance, hindi tayo nawawalan ng pera dito plus binigyan pa tayo ng national government ng one-time grant, kalahating IRA ng one month IRA na ang one month IRA natin is roughly P250 million so mayroon tayong P122 million na gagamitin lang ‘yan anti-COVID,” paliwanag ni Gov. Alvarez.

Gayunpaman, maghahanap parin anya ang pamahalaang panlalawigan ng mga donasyon para kung may magbibigay at tutulong ay maibalik ang pera na laan sa mga maaapektuhang proyekto.

SA MGA STRANDED PALAWEñO

Tiniyak ni Alvarez na ginagawa ng pamahalaang panlalawigan ang lahat upang matulungan at makauwi na ang lahat ng stranded na mga Palaweño .

Kinausap na anya nito ang ilang airline companies para sa pagkakaroon ng sweeper flight at inaayos na nila ang mga mercy flights na bibiyahe papunta dito sa Palawan lulan ang ating mga kababayan.

Lahat ng ito anya ay alinsunod naman sa inilabas na guidelines ng Inter-Agency Task Force for COVID-19 ng national government.

Sa ngayon, sinabi ng gobernador na naglagay na sila ng call center sa kapitolyo na tututok sa mga stranded passengers kung anong tulong ay maibibigay sa kanila sa ngayon hangga’t hindi pa talaga normal ang lahat at hinihintay ang May 15 kung magkakaroon pa ng mga pagbabago.

“I will instruct dito ‘yung aming team na kausapin ‘yung Airswift, pangalawa ‘yung Air Asia, madali kong makausap dahil ‘yung bagong chairman [Air Asia] kaibigan ko ‘yan maski bawi lang ‘yung paggamit sa eroplano at wag lang malugi,” ani Alvarez.

“Kung sino ‘yung gusting tumulong, tumulong sila. Palawan is a very vital destination para sa kanila, kung panahon na kailangan natin ang tulong nila at hindi sila tumulong, mayroon din tayong paraan in the future, kung sino ang unang tumulong sa atin, ‘yun din ang una nating tulungan,” dagdag pa nito.

Kailangan lang anyang magpalista at ibingay ang mga hinihinging detalye sa mga stranded na Palaweño upang mai-proseso sa lalong madaling panahon ang kanilang pag-uwi dito sa Palawan.

Nilinaw din ni Alvarez na kahit hindi pa pinapayagan ang inter-municipal travel sa Palawan, maaari namang payagan ang mga stranded na kababayan natin na nasa mga munispyo papunta dito sa Puerto Princesa para makauwi din sa kanilang mga probinsya.

“There’s always an exemption to the rule. Kung uuwi talaga sa mga bayan, mga munisipyo, payagan natin pero dapat may mga precaution,” paglilinaw ni Alvarez.

Sa mga nais umuwi ng Palawan, sinabi ni Alvarez na maaring tumuwag o makipag-ugnayan sa “Sagip Palaweño” hotline numbers na inilabas ng pamahalaang panlalawigan.

RECOVERY PLAN MATAPOS ANG KRISIS

Tutok ang probinsya ngayon sa sektor ng agrikultura dahil apektado parin ang turismo hindi lang sa Palawan bagkus maging sa buong bansa.

“There will be a lot of changes in the commercial, in the political, in the demographics, there will be a lot of changes in the way people behave. I suppose in the next 24 months, there will be new industries emerging in order to supply the needs for the home quarantine,” ani Alvarez.

Dahil dito, hinihikayat ni Alvarez ang lahat na gustong tumulong sa Palawan na isipin na nila kung paano sila makakapag-negosyo na hindi naka sentro sa turismo.

“We have to find a way to replace tourism in the next 24 months. Ang travel natin although restricted but must not be allowed. Hindi pwedeng hindi natin i-allow ang domestic travel dahil mayroon namang new normal ‘yan e”.

Exit mobile version