Isang kawani ng coast guard, patay sa aksidente

Isang kawani ng coast guard, patay sa aksidente

Patay ang isang kawani ng Philippine Coast Guard matapos na maaksidente ang sinasakyan nitong pickup truck sa Hilagang bahagi ng National Highway, malapit sa tulay ng Barok, Sitio San Isidro, Brgy. Cataban, Taytay, Palawan, pasado alas 10:00 ng umaga ng Hunyo 2 ngayong taon.

Sa ulat ng Palawan Police Provincial Office (PPO), kinilala ang drayber ng Toyota Hilux na si ASN Alfederic Decon, 29-anyos, lulan ang lima pang tauhan ng PCG.

Sa unag pagsisiyasat, nanggaling umano ng lungsod ng Puerto Princesa ang mga biktima at binabaybay ang kalsada patungong El Nido.

Nang makarating sa lugar ng aksidente ay sumabog umano ang harapang gulong ng sasakyan dahilan upang mawalan ng kontrol ang drayber at tuluyang maaksidente sa gilid ng kalsada.

Bilang resulta, ang sasakyan ay lumampas sa isang mababaw na bangin at bumaligtad ng ilang beses. Isa sa mga biktima ang tumilapon mula sa loob ng sasakyan at natagpuan sa isang puno malapit sa pinangyarihan ng aksidente.

Hindi na nakaligtas pa ang biktimang hindi tinukoy ng mga awtoridad habang ang drayber at ilang tauhan ng PCG ay agad na dinala ng rumespondeng tauhan ng MDRRMO sa Northern Palawan Provincial Hospital para sa agarang medikal na atensyon.
Exit mobile version