Lalaking wanted sa batas, sumuko sa awtoridad

Boluntaryong sumuko ang isang lalaki na wanted sa Coron Municipal Police Station Brgy. Poblacion 1, Coron, Palawan nitong Setyembre 23, 2021.

Kinilala ang suspek na si Claude Sixta Toniza a.k.a Loi, 28 anyos, may asawa, driver, at residente sa Brgy. Gudalupe ng nasabing munisipyo.

Ayon sa Palawan Provincial Police Office, ang lalaki ay kusang sumuko sa himpilan ng Coron matapos na mapag alaman na mayroon itong warrant of arrest sa kasong Violation of Sec. 5 (I) of R.A 9262 o “Acts of Violence Against Women and Their Children” na inilabas ni Hon. Presiding Judge Arnel P. Cezar of RTC Branch 163 Coron, Palawan nitong August 18, 2021.

Kinakailangan makapaglaan ng pyansa sa kaso ang suspek sa halagang P72,000 para sa pansamantalang kalayaan nito.

Kaugnay nito ay nasa kostudiya na ng PNP ang lalaki para sa tamang desposisyon.

Exit mobile version