Mga taga-usig, posibleng armasan – Pangulong Duterte

(Larawang kuha ni Sevedeo Borda lll/Palawan Daily News) Ipinangako ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa harap ng mga partisipante ng 31st National Annual Convention ng Prosecutors' League of the Philippines ang proteksyon at seguridad ng mga taga-usig ng bansa. (SB-PDN/LBD-PIA-PALAWAN)

Maaaring mabigyan ng armas ang mga piskal sa bansa para sa proteksyon ng mga ito habang ginagampanan ang kanilang papel sa lipunan.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kaniyang pananalita sa pagdalo niya sa ika-31 taunang kumbensiyong pang nasyunal ng Liga ng mga Taga-usig na ginanap sa lungsod ng Puerto Princesa.

“The assassination of prosecutors across the country have had lighted the danger that prosecutors and their respective families that they endure (Ang pagpatay sa mga tagausig sa buong bansa ay malinaw na nalalagay sa panganib na ang mga ito at ang kani-kanilang mga pamilya), “ani ng Pangulo.

“I’m ready for any suggestions, options. All are on the table. Ano ang gusto ninyo? Baril? I will allow it,” pahayag pa niya.

Tiniyak ni Duterte na lahat ng mga ahensiyang tagapagpatupad ng batas ay mapapabilis ang pagsisiyasat sa mga ganitong kaso ng pagpatay.

“Alam ko kung gaano kahirap ‘yan. I will do everything to protect you,” aniya pa.

“I also encourage the leadership of the prosecutors’ league to work with Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI, and other relevant agencies to come up with solutions on hopw to better protect our prosecutors and their families (Hinihikayat ko din ang liderato ng liga ng tagausig na makikipagtulungan sa Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), at iba pang kaugnay na ahensiya upang makamit ang mga solusyon kung papano ma-protektahan ang ating mga prosecutors at kanilang pamilya ),” sinabi pa ni Duterte. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Exit mobile version