Arestado ng mga awtoridad ang nangunguna sa listahan ng mga Most Wanted Person sa Palawan matapos magtago sa batas ng mahigit dalawang taon. Ang suspek ay isang 43 taong gulang na lalaki, magsasaka, at residente ng Brgy. Lagaoriao, Cuyo, Palawan. Nahaharap ito sa anim na kaso ng panggagahasa.
Nahuli ito dakong 7:40 pm noong Enero 27, 2021 sa So. Nagpadalan, Brgy. Bacao, Dumaran.
Ikinasa ang pagdakip ng joint personnel ng Dumaran MPS, Provincial Intelligence Unit (PIU)-Palawan, PALCIT RID 4B, at 401st MC Regional Mobile Force Battalion (RMFB)-4B sa bisa ng warrant of arrest (WOA) na ibinaba ni Judge Arlene B. Guillen ng Regional Trial Court Branch 50 (Family Court) noong Enero 15, 2019.
Walang piyansang inirekomenda ang korte para s la suspek na sa kasalukuyan ay hawak ng Dumaran MPS.