Reorganization ng PALECO, naitupad na

“Putting the right people in the right place.”

Ito ang pangunahing dahilan ng reorganization sa Palawan Electric Cooperative, ayon kay OIC General Manager Napoleon Cortes, Jr.

Matatandaan na bago tuluyang nagretiro si former General Manager Ric Zambales ng Paleco, nagsagawa ng malawakang reorganisasyon para sa mga posisyong department Head pababa sa rank and file, na tinasa sa pamamagitan ng pagbuo Committee on Reorganization and Personnel Placement (CRPP).

Kasunod nito ang Preliminary Posting ng resulta ng aplikasyon at binigyang pagkakataon ang pagsulong ng apela sakaling mayroong hindi nakuntento sa resulta.

Kaugnay nito department head ang pinagpalit ng posisyon, ito ay sina dating Human Resource Development and Administrative Department (HRDAD) Manager Mary Eustalia Bundac na ngayon ay Member Services Department (MSD) Manager, at ang dating MSD Manager na si Napoleon Cortes, Jr. ay HRD Manager na.

Kaugnay nito inaasahang mas lalong magiging produktibo ang buong pamunuan ng Palawan Electric Cooperative sa mga susunod na araw, upang lalo pang mapaghusay ang serbisyong enehiya sa lalawigan .

Exit mobile version