Tinaguriang most wanted dahil sa pagnanakaw sa Coron, arestado

Arestado ng Coron Municipal Police Station  ang lalaki na most wanted at top 3  Municipal Level sa Barangay Bintuan, Coron Palawan ika-30 ng Mayo.

Kinilala ang suspek na si Henry Premacio Sadang Jr, 41 anyos,  residente sa  Sitio Capayas, Barangay Poblacion 6, Coron,

Sa bisa ng warrant of arrest na permado ni Judge Arnel Pecundo Cesar, Presiding Judge of RTC 4TH Judicial Region, Branch 163, Coron Palawan noong ika-29 ng Hulyo 2021, sa kasong R.A. 10883 (NEW ANTI-CARNAPPING LAW).

Kinakailangan na makapagpyansa ang suspek sa kaso nito  halagang 300,000 para sa pansamantalang kalayaan.

Mananatili sa piitan ng Coron PNP si Sadang hangga’t hindi ito nakakapagpyansa.

Exit mobile version