Couple, nagpakasal na backdrop ang nag-aalburutong Taal Volcano

Tuloy ang kasal sa kabila ng pag-aalburuto ng bulkang Taal. Photo courtesy of Warren S. Garcia

Trending ngayon ang magkasintahang taga-El Nido na nagpakasal habang umuusok ang Bulkang Taal.

Araw ng Linggo, Enero 12 na nagkataon ding simula ng pagbubuga ng usok ng Bulkang Taal, nang manumpa sa harap ng altar ang nag-iibigang sina Celso Ernesto “Chino” Romero Vaflor at Ecaterina Cecilia “Kat” Palomar-Vaflor.

Sa panayam ng Palawan Daily News (PDN) kay Bb. Kat sa pamamagitan ng chat message, buwan pa ng Setyembre noong nakaraang taon nang kanilang planuhin ang simple at intimate wedding sa Savanna Farm, Tagaytay, Alfonso, Cavite.

“Tingin namin kaya ‘yung three months preps. We chose Tagaytay kasi the weather there is cool kahit naka-formal attire ka di ko manlalagkit and mas okay kumilos ‘pag ganun,” aniya.

Sa araw ng kanilang kasal, walang mag-aakalang kasabay din ng araw na iyon ang pagsisimula ng pagbubuga ng usok ng ikalawang pinakaaktibong bulkan sa bansa na kalaunan nga ay sumabog.

“At first, during preps, wala pa namang smoke from Taal [Volcano], then early afternoon, around 2:00 PM, visible na ‘yung steaming d’on, palaki nang palaki. [At] 3:00 PM, everybody went to the venue. Then, during ceremony, ayun! Kitang-kita na siya (ang usok) may thunder and lightning na rin,” pagkukwento ni Vaflor.

Aniya, sa kabila ng sitwasyon ay nagpatuloy pa rin ang seremonya para sa pinakamahalagang araw ng kanilang buhay.

“We remained calm kasi maganda ‘yung homily ni Bishop Anthony Ferreira,” dagdag pa niya.

Sa dambuhalang usok sa likuran ng mga kuha nilang larawan sapagkat tanaw na tanaw mula sa Tagaytay ang Taal Volcano, nakatawag iyon ng pansin sa mga netizen, dahilan upang mag-trending ang kanilang mga larawan sa social media hanggang ibalita ng iba’t ibang national at international media. Simula sa araw ng kanilang kasal ay kaliwa’t kanan na ang interviews na in-entertain ng mag-asawang Vaflor.

Ngunit inamin ni Kat na hindi niya mapigilang hindi malungkot sapagkat lahat ng babaeng kinakasal ay nangangarap ng isang “perfect wedding” na hindi nila lubos na nakamit bunsod ng sakunang dulot ng kalikasan.

“We were all ready and in the mood to party but we have to cut-off short the reception because we have to consider everyone’s safety there. However, we’re still able to make the important parts of the wedding like our first dance as a couple, cake slicing and wine toasting, speeches were made. Side and onsite photos were played. Our guests still had fun even in a short time. Some leave after our thank you speech, some stayed,” dagdag pa niya.

Sa isang beach wedding sa Bayan ng El Nido ang orihinal umanong plano ng mag-asawa kung saan mayroon silang business at nanirahan doon ng halos pitong taon, ngunit ilipat nila ang kanilang anak sa Las Piñas ngayong taon upang maka-adjust  sa mas malaking eskwelahan para sa pagtuntong niya sa sekondarya at kolehiyo.

Exit mobile version