Isang COVID-19 patient sa Bayan ng Agutaya pumanaw na

Ayon kay Dra. Erika Faye Labrador head ng Provincial Health Office (PHO), ang namatay na pasiyente ay isang babae, 46 taong gulang at isang Locally Stranded Individual (LSI) at Nobyembre nakaraan taon pa ito naideklarang positibo mula COVID-19.

“Ito po ay Covid positive patient po natin nung November 22, however ito po ay 46 year old female po na mayroon pong mga “comorbidities so immunocompromised po yung ating pasiyente, so every two (2) weeks po  nirirepeat po yung RTPCR niya revealing a positive result po, so meron siyang on and off colds po, so hindi po natin siya ma ano as recovered.”

Dagdag pa ni Dra. Labrador, pasado 1:00 ng hapon kahapon ay biglang nahirapan sa paghinga ang pasiyente bago umano ito pumanaw.

“Kahapon po at 1:00 pm, nag ano po siya difficulty of breathing and then nag tuloy-tuloy na po.”

Samantala agad naman inilibing umano ang namatay na pasiyente kahapon base narin sa ipinapatupad na strict guidelines ng Provincial IATF na kapag ang sino man ay nag positibo at namatay mula sa sakit na COVID-19

Exit mobile version