Lalaki sa Brooke’s Point, hinuli dahil sa illegal logging

Noong Abril 8, ganap na 5:30 PM sa Barangay Pangobilian, bayan ng Brooke’s Point, Palawan isang top down na may mga kargang kahoy ang iniwan na pag-aari ni Richard Mallon mas kilala bilang “Don-don Mallon”, 45 anyos at residente ng Sitio Suring, Barangay Pangobilian.

Ayon sa Brooke’s Point Municipal Police Station, sila ay makatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen na may isang top down na may kargang mga kahoy at agaran nilang pinuntahan ang nasabing lugar.

Naabutan nila ang may-ari ng mga kahoy ngunit ng nung makita nito ang mga awtoridad ay agad na tumakas dala ang chainsaw.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang isang unit Kawasaki Barako II (top down) at mga piraso ng iba’t-ibang uri ng kahoy.

Sasampahan naman ang suspek ng paglabag ng Section 68 of P.D. No. 705 o Illegal Logging.

Exit mobile version