Tatlong araw na medical mission nakatulong sa mga Palaweño

Isang malaking tulong para sa mga Palaweño ang isinagawang tatlong araw na medical mission ng International Christian Fellowship na galing pa sa New York City, USA.

Humigit-kumulang isang libong mga benepisyaryo ang nakakuha ng libreng gamot, bitamina at konsulta sa mga espesyalita ng pedia, derma, optical at dental.

Sa unang araw, isinagawa ang medical mission sa Builders Baptist Church sa may Abanico Road, Barangay San Pedro, sa pangunguna ni Pastor Legaspi Padilla, July 22.

Sa sumunod na araw, ito naman ay isinasagawa sa Master’s Grace Fellowship, sa panulukan ng Manalo Extension ng lungsod ng Puerto Princesa, sa pangunguna ni Pastor Vicente Dignadice.

At sa ikatlong araw, ito ay naganap sa Barangay Tinagong Dagat, Narra, Sa pangunguna ni Pastor Joshua Manderable ng Faith Fundamental Baptist Church.

Ang organisasyon ng International Christian Fellowship ay pinangungunahan ni Pastor Sam Abad na naka base sa America. Si Pastor Abad ay nagmula sa bayan ng Magara, Roxas, Palawan at sila ay nagsasagawa ng misyong medical kada ika tatlong taon sa iba’t ibang bahagi ng bansang Pilipinas.
Exit mobile version