Nagbanggaan ang tricycle at kotse sa B.M. Road, Brgy. San Pedro noong ika-16 ng Enero ganap na ika- 4:31 ng hapon at nagdulot sa parehong drayber ng physical injuries and damages to property.
Base sa inisyal na pag-imbestiga ng pulisya, binabaybay ng drayber ng traysikel ang kahabaan ng Macabalu Road mula sa BM Road patungo ng Libis Road.
Samantala, ang drayber naman ng sasakyan ay nagmamaneho mula sa kanilang tirahan patungo sa direksyon ng Macabalu Road.
Sa di inaasahan, nagsipag-abot ang dalawang sasakyan sa lugar na iyon at nabangga ang kanang bahagi ng gulong ng tricycle at ang kanang bahagi ng head light ng sasakyan na naging sanhi sa parehong sasakyan ng pinsala sa nasabing aksidente.