Dalawang lalaki, arestado sa buy-bust

Taytay, Palawan — Arestado sa buy-bust operation ang dalawang lalaki matapos magsagawa ng operasyon ang pinagsanib puwersa ng Palawan Provincial Drug Enforcement Unit, Taytay Municipal Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency sa Sitio Montivesta, Barangay Poblacion, Taytay, Palawan dakong ala-singko ng hapon nitong Lunes, Hunyo 18,2018

Kinilala ang mga arestado na sina NOLI PAMPANGA CASTRO, 44 anyos, at ROMIO TAGULINAW TACAISAN, 56 anyos, mga residente ng Poblacion Taytay, Palawan.

Nakumpiska sa dalawang pinaghihinalaang tulak ng ilegal na druga ang tatlong plastic sachets na umano’y shabu kabilang na ang isang pakete na ibinenta naman ng suspek sa operatiba, mga pera at isang motorsiklo.

Naharap naman sa kasong paglabag ng Republic Aact 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Actang dalawa.

Exit mobile version