Philippine Nickel Industry Association, suportado ang EO 122 ni Marcos na palakasin ang industriya ng kritikal na minerals sa bansa

Kuha ang larawan sa mining site ng Berong Nickel Corporation (BNC) sa Quezon, Palawan. PDN file photo

Suportado ng Philippine Nickel Industry Association (PNIA) ang nilagdaang Executive Order (EO) 122 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naglalayong palakasin ang industriya ng mga kritikal na minerals sa bansa.

Ayon sa pahayag ng PNIA, mahalaga ang nasabing polisiya upang mapatatag ang posisyon ng Pilipinas sa pandaigdigang merkado ng mga kritikal na minerals.

“The Philippine Nickel Industry Association welcomes Executive Order No. 122 as a pivotal step in advancing the Philippines’ critical minerals industry and strengthening the country’s position in an increasingly competitive global market,” saad ng PNIA.

Nagpasalamat din ang asosasyon kay Marcos sa hakbang na anila’y isang mensahe upang hindi lang palakasin ang produksyon kundi makipag-kompitensya sa pandaigdigang industriya ng minerals.

“PNIA thanks President Ferdinand R. Marcos Jr. for this decisive and forward-looking policy direction. At a time when countries around the world are competing to secure critical minerals, investments, technologies, and supply chains, the President has sent a clear signal that the Philippines intends not only to participate in this global opportunity, but to compete for it,” dagdag pa ng PNIA.

Layunin ng EO 122 na ito na magtatag ng iisang pambansang balangkas ng polisiya para sa pagpapaunlad ng industriya ng kritikal na mineral sa bansa. Nilagdaan ito ng pangulo noong Agosto 18.

Nakapaloob din sa EO ang pag-aatas sa Mines and Geosciences Bureau (MGB), sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), na tukuyin at hanapan ng mga bagong deposito ng minerals, gayundin ang pagpapabilis sa proseso ng pagbibigay ng mga kinakailangang permit sa mga kumpanyang nais magsagawa ng pagmimina sa ilang bahagi ng bansa.

Samantala, tiniyak din ng grupo na patuloy itong makikipagtulungan sa mga ahensiya ng pamahalaan at mga komunidad upang maisalin ang bagong balangkas sa konkretong at nasusukat na pag-unlad.

“PNIA looks forward to continuing to work with the DENR, MGB, MICC, other national government agencies, local governments, communities, and our partners across the value chain to translate this framework into concrete and measurable progress.”

Exit mobile version