Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11458 na magbibigay ng mas magandang proteksyon sa mga mamahayag sa broadcast media, wire service organizations at electronic mass media laban sa pagpapalabas ng kanilang source ng balita.
Inaamyendahan ng bagong batas ang Republic Act No. 53 o mas kilala bilang “Sotto Law” kung saan nakasaad na pwedeng maitago ang source ng balita maliban lamang kung ito ay naglalagay ng national security sa alanganin. Iniakda ito ni noo’y senador Vicente Yap Sotto.
Maari lamang ibunyag ang source sa ilalaim ng Sitto Law ng kung itoy ipag-uutos ng Korte Suprema at ng Kongreso.
Saklaw ng batas ang mga accredited journalist, publisher, writer, reporter, contributor, opinion writer, editor, columnist, manager, at media practitioner na kasama sa pagsusulat, pag-edit, pagpo-produce at paglalahad ng balita sa publiko sa broadcast media, wire organizations at electronic mass media.
Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang bagong batas nitong ika -30 ng Agosto.