Puerto Princesa City Mayoral Candidate Antazo, naniniwala na magiging mapayapa ang eleksyon sa lungsod

Sa pag sisimula ng local campaign ngayong Marso 25, naniniwala si Mayoral Candidate Florante Antazo na magiging mapayapa ang May 9, 2022 local elections sa lungsod ng Puerto Princesa.

“Ang masasabi ko lang po napakaayos naman po, sa aking pakiramdam tingin ko itong eleksyon na darating ay magiging peaceful, honest and order election eh napakababait naman ng aking kalaban sa politika,” ani ni Antazo

Dagdag pa ni Antazo, nagpapasalamat umano ito sa kanyang mga tagasupporta lalong lalo na umano sa mga galing pa ng malalayong lugar.

“Alam mo napaka saya, napakasarap ng aking pakiramdam although napakahirap dahil ako ay natutuwa. Kitang kita ko ang pag supporta sa akin ng mamayan ng Puerto Princesa although yung iba dito napaka layo pa ng pinangalingan nila yung iba galing pa sa Sabang, Bacungan, Mangigisda kahit iba’t ibang lugar. Yung iba dito alam mo kakaunti lang ang tulog eh kasi napaka-aga ng banal na misa. Siyempre nagpapasalamat din ako kay Bishop Socrates Mesiona na nag officiate ng banal na misa ngayon umaga,” dagdag pa nito.

Inihayag din ni Antazo ang dahilan kung bakit ito tumakbo bilang Alkalde ng lungsod.

“Pinaka main reason ko, hindi ko po talaga naramdaman ang tunay na pagmamahal at malasakit ng mga tinatawag nating public servant sa ating mahihirap na kababayan,” pahayag ni Antazo.

“Muli nagpapasalamat ako sa aking mga supporter na naririto ngayon, maraming-maraming salamat po hindi ko po kayo bibiguin. Ang akin po masasabi hindi ko po kayo pababayaan hanggang sa huling sandali ng aking buhay, ipaparamdam ko sa inyo yung aking pagmamahal at sana isama niyo ako sa inyong panalangin, ito po ay laban ng ating mahihirap na kababayan,” ani Antazo.

Exit mobile version