Naglabas na ang Commission on Election (COMELEC) ng opisyal na disenyo o “ballot face” ng mga balota na gagamitin sa darating na National at Local Elections 2025.
Ang disenyo ay para sa Overseas Voting at Local Absentee Voting, na layong gawing maayos at organisado ang proseso ng pagboto. Ang “ballot face” ay naglalaman ng mga pangalan ng kandidato, posisyon na kanilang tinatakbuhan, at iba pang mga detalye na kinakailangan ng mga botante upang magawa ang tamang desisyon sa pagboto.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng paghahanda ng COMELEC para sa mas epektibong halalan sa 2025, kung saan binibigyan ng malinaw na impormasyon ang publiko kaugnay sa hitsura ng mga balota.
Discussion about this post