Positibo ang reaksyon ng pamunuan ng Commission on Election- Palawan sa dami at patuloy pa ring pagdagsa ng mga new voter registrants sa mga munisipyo ng lalawigan.
Ayon kay Jomel A. Ordas, designated Information Officer ng Office of the Provincial Election Supervisor, Palawan, natutuwa umano sila dahil sa dami ng gustong magparehistro para makaboto sa darating na eleksyon.
“Ang aming opisina ay lubhang nagagalak sa pagdagsa ng mga bagong registrant’s para sa darating na Barangay at SK elections,” saad nito.
Dagdag pa nito, “Disposisyon ng mga magulang ng mga kabataang nagpaparehistro ang kanilang kalagayan, gayundin ng mga lokal na opisyal ng kanilang mga lugar.”
Bagama’t sinabi ni Ordas ang pangyayari sa lungsod ay nagaganap din sa ilang mga munisipyo ng lalawigan, nguni’t hindi naman umaabot sa pagtulog ng mga ito sa bangketa.
Dulot na rin ng maikling panahon na itinalaga ng Commission on Elections para sa pagpapatala ng mga botante kung kaya’t nagdadagsaan sa mga itinalagang registration areas ang mga ito.
Ang pagpaparehistro ng mga botante ay nagsimula noong ika-4 ng Hulyo at matatapos hanggang alas-5 ng hapon na lang sa Hulyo 23 ang registration para sa barangay at SK elections.
“Patuloy naming hinihimok ang mga Palawenyo na samantalahin ang pagkakataon upang lumabas ng kanilang mga tahanan at magparehistro, at sa darating na buwan ng Disyembre ay ma-exercise nating lahat ang ‘right of suffrage’, na napakaimportante bilang isang mamamayan ng bansa,” pahayag nito.
Batay sa Republic Act 11462, marapat isagawa sa December 5, 2022, ang eleksyon ng mga opisyal ng Barangay at SK.
Samantalang ayon sa Republic Act 8189 o ang Continuing Registration Act, ipinagbabawal na ang pagsasagawa ng registration 120 araw bago ang regular elections.
Ipinahayag naman ng Comelec National Office na mula Agosto 2 hanggang 6 ay magsasagawa ng pag-aayos ang COMELEC sa mga presinto, paggawa ng bagong presinto at pag-check sa mga database ng komisyon ukol sa multiple o double registrant.
Samantala, narito naman ang pinakahuling datos na kanilang nakalap hinggil sa mga nakapagpatala, nagpalipat ng presinto, na maaaring madagdagan sa ilang araw pang nalalabi para sa naturang aktibidad:
Voters’ Registration Update
Palawan, July 4-21, 2022
TOTAL – 41,149
BY SEX
Male – 20,247
Female – 20,902
BY APPLICATION TYPE
New Registration
15-17 yrs old – 17,502
18-30 yrs old – 12,322
31 yrs old up – 1,673
Transfer from another city/municipality – 4,753
Transfer within same city/municipality – 2,641
Reactivation – 1,677
Change of Name/Correction of entries-576
Transfer from Overseas
Absentee Voter (OAV) – 5
BY CITY/MUNICIPALITY
Puerto Princesa City – 5,409
Bataraza – 4,512
Brooke’s Point – 3,688
Rizal – 3,300
Narra – 2,879
Sofronio Española – 2,361
Roxas – 2,353
Quezon – 2,351
Aborlan – 1,906
Taytay – 1,687
Dumaran – 1,582
El Nido – 1,445
Coron – 1,385
Balabac – 1,221
Cuyo – 853
Araceli – 822
San Vicente – 704
Busuanga – 620
Linapacan – 503
Culion – 466
Agutaya – 410
Magsaysay – 398
Cagayancillo – 272
Kalayaan – 2
Discussion about this post