Sa patuloy na pagsasagawa ng intelligence-driven Focus Military Operations ng Joint Task Force Peacock (JTFP) sa pangunguna ni Brigadier General Jimmy D. Larida, Joint Task Group-North/Marine Battalion Landing Team-3 , Joint Intelligence Task Units-North, Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Provincial Police Office (PPO), 2nd Palawan Provincial Mobile Force Company (PMFC) at Roxas Municipal Police Station (MPS), tatlong miyembro ng Militia ng Bayan ang sumuko at kanila rin ipinagbigay alam sa pamahalaan kung saan nakalibing ang mga bala, pampasabog at mga magazines.
Agad na tumungo ang operating troops ng Joint Task Group-North sa pangunguna ni Major Ryan Lacuesta PN(M) sa Sitio Iraan, Brgy. Magara, Roxas, Palawan noong Hulyo 19.
Nahukay mula sa lugar ang mga sumusunod:
(2) M16 fragmentation grenades,
(3) 40mm rifle grenades,
(4) M16 magazines (long),
(300) rounds of 5.56mm ammunition, at (1) black colored bandolier.
Sa kabila nito nagbigay naman ng mensahe si Brig. Gen. Larida sa mga kasundaluhan at kapulisan sa lalawigan ng Palawan,” The Joint Task Force Peacock, in collaboration with the PNP and other member-agencies of Palawan PTF ELCAC, is working closely with the former rebels and supporters to continue building a resilient community and sustaining the normal life that they are now experiencing,”
Aniya, wala narin umanong lugar pa ang mga makakaliwang grupo sa lalawigan ng Palawan.
“This latest surrender of former Militia ng Bayan members and their revelation of the location of the cache of ammunitions, explosives and magazines proves that the people are fed up with the CTG’s atrocities, exploitation, and deception. The communist terrorist groups have no place in Palawan,” saad ni Larida.
Discussion about this post