Posibleng pagmultahin ang mga tindahan na nagbebenta ng sigarilyo at tabako sa mga menor de edad na may edad na 18 taong gulang pababa at ipagbabawal rin na utusan ang mga kabataan na bumili ng sigarilyo. Ito ay kung maipapasa ang ipinanukalang ordinansa ni SK Federation President Myka Magbanua.
Sa kanyang isinulong na ordinansa na, “An ordinance prohibiting the use, sale, distribution and advertisement of cigarettes and other tobacco products, electronic nicotine and non- nicotine delivery systems, heated tobacco products and other novel tobacco products, in certain places, places imposing penalties for violations thereof and providing funds thereof, to instill health consciousness and for other purposes,” gusto din na may mga designated area sa mga pampublikong lugar sa lungsod ng Puerto Princesa para sa mga naninigarilyo upang sa gayon ay hindi makakalanghap ang mga mamamayan lalo na ang mga kabataan dahil ang Puerto Princesa ay tourist destination.
“Maglalagay tayo ng designated smoking areas so hindi lang po pwede mag-smoke kung saan-saan at doon po sila mag-smoke sa designated area. Kung makikita natin hindi lang naman yung pag-smoke e, compromised rin natin yung kalusugan pati yung mga kasama na nakakalanghap, yun mga second hand smokers, etc. especially yung mga kabataan nakakalanghap ng usok ng sigarilyo, vipe o anuman electronic delivery systems na hindi talaga maganda para sa kalusugan ng ating mamamayan at syempre nang ating mga turista dahil tayo ay kilala sa pagiging sikat na tourist spot,” saad ni Magbanua.
Nais rin nitong higpitan sa ilang mga lugar dito sa Puerto Princesa ang pagbebenta at paninigarilyo partikular na sa mga parks, pati na sa Underground River upang sa gayon ay makaiwas na makalanghap ng usok ng sigarilyo ang mga mamamayan.
Discussion about this post