78-anyos na lalaki sa Taytay, arestado dahil sa panggagahasa

Arestado ang isang lolo sa Bayan ng Taytay na nasa listahan ng pulisya bilang wanted person at nahaharap sa kasong statutory rape.

Ang nasabing suspek ay isang 78 taong gulang na magsasaka, may asawa at residente ng Sitio Binatuan, Brgy. Abongan, Taytay, Palawan.

Sa spot report mula sa  Palawan Police Provincial Office (PPO), nakasaad na naaresto ang suspek dakong 5:00 pm, August 9, 2020 ng pinagsanib na pwersa ng Taytay MPS bilang lead unit, PIU-Palawan PPO, intelligence operatives ng 401st MC at RMFB 4B sa Brgy. Abongan sa bisa ng ibinabang warrant of arrest ni Judge Emmanuel Q, Artazo, presiding judge ng Regional Trial Court Branch 14-FC (Taytay) noong Agosto 3, 2020.

Dinakip ang naturang indibidwal dahil sa two (2) counts ng Statutory Rape na may Criminal Case No. ROX-20-40558-TY at ROX-20-40559-TY na kung saan ay walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantala niyang kalayaan.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Taytay MPS ang naturang suspek at nakatakdang dalhin sa korte para sa karampatang hakbang.

Exit mobile version