Barangay kagawad sa Culion, biktima ng direct assault at tangkang pagpatay habang ginagampanan ang tungkulin

Personal na idinulog ng kagawad sa isa sa mga barangay ng Bayan ng Culion ang tangka umanong pagpatay sa kanya, kasabay ng asunto, ng isa sa kanilang mga kabarangay.

Kinilala ang biktima na si Michael Tamba Vistal, 31 anyos, may asawa, kagawad ng Brgy. Baldat, Culion, Palawan, habang ang suspek ay si Jayvee “Ome” Jandayan Lagahan Jr., 19 taong gulang, binata, laborer at residente ng Sitio Calatay ng nasabi ring barangay.

Sa spot report ng PPO, nakasaad na naganap ang Direct Assault with Attempted Homicide laban sa biktima dakong 8:35 pm noong Agosto 8 habang nagbabantay sila sa Quarantine Control Point ng Brgy. Baldat, Culion, na kung saan ay konimpronta siya ng suspek, na ng mga sandaling iyon ay pinaniniwalaang nasa impluwensiya ng alak. Agad naman umanong inawat ang suspek ng kanyang kasama at sabay na umalis.

Ngunit makalipas lamang umano ang ilang minuto ay bumalik ang suspek at may dala ng kutsilyo, at inatake at tinangkang saksakin ang biktima ng dalawang beses na sa kabutihang-palad ay nakailag naman ang biktima at nakaalis. Sa puntong iyon ay hinabol pa rin umano ng suspek ang biktima hanggang sa pinakalma siya ng kanyang mga kasamahan.

Bunsod nito, bandang 2:30 pm kahapon, August 12, 2020 ay personal nang tumungo ang biktimang kagawad sa  Culion MPS upang iulat ang insidente.

Exit mobile version