Dalawang drivers, patay sa aksidente

Patay ang dalawang mga driver matapos magbanggaan noong Lunes, Hulyo 3, pasado 6PM sa Provincial Road, Barangay Barake, Aborlan, Palawan.
Ang mga partido na nasangkot sa aksidente ay ang Rusi 125 motorsiklo, kulay pula, pag-aari at sinasakyan ng isang 16-anyos na lalaki, at isang Kawasaki KMX 125 na motorsiklo na pag-aari at sinasakyan naman ni Dennis Pagliyawan Samonte, 18-anyos, binata, at parehong mag-aaral at naninirahan sa nabanggit na lugar.
Ayon sa ulat ng Aborlan MPS, tumawid ang motorsiklo na Rusi sa Provincial Road patungong looban ng Barangay Barake habang ang Kawasaki naman ay papunta mula sa kabilang direksyon.
Pagdating sa lugar, nagbanggaan nang di sinasadya ang dalawang sasakyan (head-on collision).
Nagtamo ng hindi mabilang na pinsala ang dalawang drivers at dinala sa Aborlan Medicare Hospital ng mga tauhan ng Aborlan MDRRMO para sa paggamot.
Samantala inihayag ng duty physician na parehong mga drivers ay dead on arrival sa pagamutan.
Exit mobile version