Hindi na nakapalag sa pulisya dalawang lalaki na umano’y sangkot sa iligal na droga da Barangay Buliluyan, bayan ng Bataraza, Palawan noong Martes, Agosto 15.
Kinilala ang dalawa sina Mohaimen Majid Abtang (Kilala bilang Kulot), 39-anyos, Micheal Clapano Lucero, 46-anyos, at parehong residente ng Barangay Buliluyan, Bataraza, Palawan.
Ang dalawa ay inaresto ng mga pinagsamang tauhan mula sa Bataraza MPS, PDEU Palawan, PIU, 2nd SOU Balabac-Maritime at 1st PPMFC sa pakikipagtulungan ng PDEA Regional Office.
Ayon sa operatiba, nagbenta ng isang (1) pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting substansyang kristal na pinaniniwalaang methamphetamine hydrochloride o shabu na nagkakahalaga ng isang libong piso (Php1,000.00) sa isang poseur buyer.
Kasama sa mga nakuha mula sa pag-aari, kontrol, at pangangalaga ng mga suspek ang mga sumusunod:
Isang (1) pirasong one thousand peso bill
Isang (1) pirasong lighter na kulay kahel
Isang (1) pirasong coin purse na kulay itim
Apat (4) na pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting substansyang kristal na pinaniniwalaang mhethamphetamine hydrochloride
Dalawang (2) pirasong aluminum foil
Isang (1) pirasong five hundred peso bill
Dalawang (2) pirasong one hundred peso bill na may mga numero ng serial
Isang (1) pirasong lighter na kulay dilaw
Ang mga nakumpiskang ebidensiya ay dinala na sa tanggapan ng Palawan Provincial Forensic Unit, Camp Higinio C Mendoza, Brgy. Tiniguiban, Puerto Princesa City, Palawan para sa Pagsusuri, habang ang iba pang mga ebidensiya ay ipapakita sa Tanggapan ng Provincial Prosecutor sa Justice Hall, Barangay Santa Monica, Puerto Princesa City, Palawan.
Ang mga naarestong indibidwal ay kasalukuyang nasa Bataraza MPS para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.