Ginang na napagkamalan na kuya ng suspek, nataga

Photo from Palawan PPO

Napagkamalan na kuya ng suspek ang ginang na siyang biktima nang pananaga noong Setyembre 18, alas 3:00 ng madaling araw sa Purok Centro, Brgy III, Roxas, Palawan.
Ang biktima ay nakilalang si Rowena Llanera Nolasco, 47 anyos, negosyanteng naninirahan sa Purok Centro, Brgy. III, Roxas, Palawan, habang ang suspek ay nakilalang si Marlon Tabang Nolasco, 45 anyos, construction worker na naninirahan din sa nasabing lugar.
Noong 18 ng Setyembre alas-4:45 ng hapon, personal na nagpunta ang kapatid ng suspek sa Roxas MPS at iniulat ang nasabing insidente.
Agad namang nagpadala ang Roxas MPS ng mga tauhan upang tukuyin ang ulat at isagawa ang imbestigasyon.
Sa imbestigasyon, lumalabas na bago ang insidente, pumunta ang biktima sa bahay na pag-aari ng kapatid ng suspek.
Subalit nang buksan niya ang pinto, ang suspek na nag-aakalang ito’y kanyang kapatid, at walang malinaw na dahilan, ay tinaga ang biktima ng ilang beses.
Napag-alaman din na may alitan ang suspek at ng kuya nito.
Nagtamo naman sugat ang biktima kanyang itaas na dibdib at kanang kamay. Dinala sa Roxas Medicare Hospital para sa medikasyon.
Samantala, nasa kostudiya na ng PNP ang suspek at narekober din ang bolo na ginamit sa krimen na may habang mgasampung (10) pulgada.
Exit mobile version