Lalaki, arestado dahil sa drugs

Inihain ng pulisya ang isang search warrant kaugnay sa paglabag sa Seksyon 11, Artikulo II ng R.A. 9165 laban sa suspek na sangkot sa ilegal na droga kaninang alas-4:15 ng umaga sa Purok Tagumpay, Barangay Malinao, Narra, Palawan.
Kinilala ang suspek na si Reynan Gabriel Delmendo, 31 taong gulang, magsasaka, at residente ng Barangay Malinao, Narra, Palawan.
Naaresto ito sa joint operation na pinangunahan ng PDEU, Palawan PPO; Narra MPS, PIU, Palawan PPO; at kawani mula sa SWAT Team, Palawan PPO. Nakumpiska mula sa kanyang pag-aari, kontrol, at pag-aalaga ang druga at marijuana.
Ang kinumpiskang mga marijuana na may timbang 90 gramo o mahigit pa at tinatayang halagang Php 3,500.00 habang ang kinumpiskang item na pinaghihinalaang Shabu na may timbang na 0.35 gramo o mahigit pa ay tinatayang halagang Php6,000.00.
Ang naarestong suspek ay inilagak sa pangangalaga ng Narra MPS para sa tamang pagdisposisyon.
Exit mobile version