Lalaki, arestado sa kasong panggagahasa

Nadakip ng mga awtoridad ang isang lalaki sa Barangay Antipuluan, Narra, Palawan noong 23 ng Oktubre sa krimeng Statutory Rape.
Kinilala ang suspek na si Roel De Vera y Cachero, 47-anyos, at residente ng Barangay Poblacion, Narra, Palawan.
Ayon sa PNP, nasa talaan ng Most Wanted Person (Rank 2 Municipal Level) si Cachero.
Nahuli ang suspek sa isang joint operation ng mga tauhan ng Narra MPS kasama ang PIU, Palawan PPO sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Judge Arlene Bayuga Guillen, Presiding Judge ng Regional Trial Court para sa kasong Statutory Rape (2 counts) na walang nirekomendang piyansa.
Kasalukoyan nang nasa kustodiya ng Narra MPS ang suspek at ihaharap sa korte para sa tamang disposisyon.
Exit mobile version