Lalaki sa bayan ng Roxas, binato sa ulo

Photo from Palawan Provincial Police Office

Sugat sa ulo ang tinamo ng isang lalaki matapos batuhin noong Oktubre 31, bandang 11:00 ng gabi sa Barangay 1, bayan ng Roxas.
Kinilala ang biktima na si Lino Balayo, 53 anyos, na naninirahan sa Brgy. 1, habang ang suspek ay kilala bilang si Alias Glenn, 19 anyos, at naninirahan sa Barangay IV.
Ayon sa PNP, bandang 11:15 ng gabi, Oktubre 31, may natanggap na tawag ang mga awtoridad mula sa concerned citizen na naglalaman ng impormasyon tungkol sa insidente ng pamamato.
Sa imbestigasyon lumalabas habang naglalakad sa madilim na bahagi ng kalsada, bigla na lamang itong binato ng suspek nang hindi malaman ang dahilan na nagresulta sa tama sa ulo.
Napag-alaman din sa imbestigasyon na may nakaraang alitan ang suspek at ang biktima.
Samantala ang suspek ay ngayon nasa pangangalaga ng Roxas MPS para sa tamang paglalagay sa kanya habang ang biktima ay agad na dinala sa Roxas Medicare Hospital para sa paggagamot.
Exit mobile version