May kasong murder, timbog sa Dumaran

Isang lalaking wanted dahil sa kasong pagpatay ang nadakip na ng mga awtoridad sa Dumaran, Palawan kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Alexander “Alex” Beltran Fuentevilla, 51, may asawa, magsasaka at residente ng Sitio Maragok, Brgy. Antonino, Roxas, Palawan.

Sa bisa ng ibinabang warrant of arrest ni Judge Anna Leah Y. Tiongson-Mendoza ng Regional Trial Court Branch 95 noon pang June 8, 2017 ay ikinasa ang pag-aresto sa nasabing indibidwal bandang 1:30 PM noong Hunyo 3 ng joint personnel ng Roxas MPS, PALCIT RID 4B, RSCG 4B at 401st BMC RMFB 4B sa ​Purok Manggahan, Brgy. Tanatanaon, Dumaran, Palawan.

Wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ng naturang suspek.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng Roxas MPS ang nadakip at nakatakdang ipresenta sa issuing court para sa tamang disposisyon.

Exit mobile version