Most wanted sa bayan ng Sofronio Española, timbog

Inaresto ng mga awtoridad ang isa sa most wanted persons sa bayan ng Sofronio Española nitong Miyerkules, Nobyembre 8, pasado alas-4 ng hapon.
Kinilala ang suspek na si “Amad,” 25-anyos at residente ng Barangay Punang sa nabanggit na bayan.
Ayon sa Palawan Provincial Police Office (PPO), nadakip ang suspek sa pinagsamang operasyon ng Sofronio Española Municipal Police Station (MPS) katuwang ang Provincial Police Office (PPO). Ipinagtibay ang nasabing operasyon sa ibinabang warrant of arrest na inisyu ni Judge Ramon Chito R. Mendoza, Presiding Judge ng RTC, Fourth Judicial Region, Branch 165, para sa kasong tangkang pagpatay at pagmamay-ari ng hindi lisensiyadong baril.
Kaugnay nito, halagang P120, 000 naman ang nirekomendang piyansa para sa nasabing kaso. Nasa pangangalaga na rin ng Sofronio Española MPS ang suspek at ihaharap sa korte para sa tamang paglilitis.
Exit mobile version