Senior citizen na may kasong statutory rape, nadakip sa Taytay

Naaresto na ng pulisya ang isang wanted person sa Bayan ng Taytay na nahaharap sa three counts ng statutory rape.

Ang naarestong suspek ay isang 66 taong gulang na lalaki, may asawa, mangingisda at residente ng Sitio Denit, Brgy. Casian, Taytay, Palawan.

Isinagawa ang pag-aresto ng joint personnel ng Taytay MPS bilang lead unit, kasama ang PIU-PALPPO dakong 11:30 pm kahapon, July 13, 2020 sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Judge Emmanuel Q. Artazo ng Regional Trial Court Branch 14-FC, Taytay noon lamang Hunyo 29, 2020. Wala namang piyansa sa nagawang krimen ng nasabing indibidwal.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Taytay MPS ang suspek at nakatakdang ipresenta sa korte para sa tamang disposisyon.

Exit mobile version