Suspek na nanghalay, arestado sa Bataraza, Palawan

Arestado ang isang Most Wanted Person na may ilang kasong Rape matapos mahuli sa Barangay Marangas, Bataraza, Palawan nitong Mayo 30.
Kinilala ang suspek na si Severo Monte, 46-anyos, magsasaka, at residente ng Sitio New Panay, Barangay Maasin, Brooke’s Point, Palawan.
Nahuli ang suspek sa isang joint operation na isinagawa ng mga tauhan ng Bataraza MPS kasama ang mga tauhan ng PIU, PIT-Palawan, RID-Palawan, CIT, at 3rd Platoon, 1st PPMFC, batay sa warrant of arrest na may petsang Abril 25, 2023, na inisyu ni Judge Ramon Chito R Mendoza, Punong Hukom ng RTC BR 165, Brooke’s Point, Palawan.
Inareston ang suspek sa kasong Qualified Rape (2 counts) , na walang rekomendasyong piyansa, at Rape by Sexual Assault 266-A (2) sa Relasyon sa Artikulo 266-B (1) ng Revised Penal Code, na may rekomendadong piyansa na Php120,000.
Ang nahuling suspek ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Bataraza MPS para sa tamang pag-aaksyunan.
Exit mobile version