10 mangingisda, narescue ng awtoridad sa Bayan ng Taytay

Sampung mangingisdang lulan ng dalawang bangka na iligtas sa Brgy. Biton, Taytay, Palawan matapos na pumalaot at paghahampasin ng malalaking alon.

Ayon sa report ng 2nd Special Operation Unit-Maritime Group nagsasagawa ng regular seaborne patrol operation kasama ang Philippine Coast Guard sa may bahagi ng munisipyo ng Araceli, Palawan malapit sa Cacbucao Island ganap na 12:30 PM,  Oktubre 10, 2021  nang namataan ang mga ito na kumakaway at humihingi ng tulong na agad rumesponde ang mga awtoridad upang sagipin ang mga mangingisda.

Samantala nagpa alala ang Awtoridad sa mga mangingisda  huwag na muna pumalaot lalo na kong masama ang panahon.

Exit mobile version