20 paaralan mula sa Puerto Princesa at Palawan, nabigyan nang tulong ng TOW-WEST

Photo from TOW_WEST

Nahandogan ng tulong ng Tactical Operations Wing West (TOW-WEST) ng Philippine Air Force, kasama ang kanilang mga subordinate na Tactical Operations Group 7 (TOG 7) at 570th Air Base Group ang 20 na lokal na paaralan sa lalawigan ng Palawan at Lungsod ng Puerto Princesa mula Agosto 24 hanggang Setyembre 18 sa taong ito, sa pagdiriwang ng Brigada Eskwela.
Sa matinding dedikasyon sa paglilingkod sa komunidad, ang mga Air Sentinels ay hindi lamang sumunod sa kanilang mga tungkulin, kundi naglaan din ng oras at pagsusumikap sa pagsasama-sama ng mga guro, magulang, at iba pang boluntaryo upang magpintura, mag-ayos, maglinis, at mag-renovate ng mga silid-aralan. Sila rin ay nakipagtulungan sa Go Share Foundation, ABAB Officers and Enlisted Personnel Ladies Clubs ABAB OLC, at Philippine Air Force Civil-Military Operations Group (PAFCMOG) sa pamamahagi ng mga kagamitang pang-eskwela sa napiling mga paaralan.
Narito ang mga paaralang tumanggap ng tulong mula sa TOWWEST:
Antonio Bautista Air Base (ABAB) Elementary School
Irawan National High School
Sicsican Elementary School
Mateo Jagmis Memorial Elementary School
Western Command (WESCOM) Elementary School
Busngol Elementary School
F. Ubay Elementary School
San Carlos National High School
Mauricio Reynoso Sr Elementary School
San Miguel National High School
Bacungan National High School
Palawan National School
Gregorio Oquendo Memorial School
Mangingisda National High School
Maoyon Elementary School
Langogan Elementary School
East Central School
Sta. Monica National High School
San Jose National High School
Ramon Magsaysay Elementary School, Aborlan Palawan
Ang di-matitinag na suporta ng TOW-WEST ay hindi lamang nagpapagaan ng pasanin para sa mga paaralan, kundi nagpapatibay rin ng kanilang pangako sa komunidad at sa paglikha ng magandang kapaligiran para sa pag-aaral.
Ang pagtutulungan na ito, na may temang “Bayanihan para sa Matatag na Paaralan,” ay isang halimbawa ng pagkakaisa at kooperasyon sa loob ng komunidad, kung saan ang kinabukasan ng mga kabataan ay itinuturing na pinakamahalagang layunin. Ito’y isang huwaran kung paano maabot ang magagandang bagay kapag nagkakaisa para sa iisang adhikain.
Exit mobile version