Nagpahayag ng matinding saloobin si Narra Mayor Gerandy Danao hinggil sa hindi pagdalo ni Narra Municipal Police Station Chief Major Thirz Starky Timbancaya sa kanilang regular na flag raising ceremony kahapon ng Lunes, Setyembre 2.
Sa kanyang talumpati, inihayag ni Mayor Danao ang kanyang pagkadismaya sa pagliban ni Timbancaya sa seremonya ng lokal na pamahalaan tuwing Lunes, na dinadaluhan ng mga kawani ng LGU at iba pang ahensya ng gobyerno sa munisipalidad.
“Sa totoo lang, ayaw ko ‘yan dito si Starzky. Ayaw ko ‘yan dito sa Narra. Hindi ko gusto ‘yan,” ani Danao.
Samantala, sa isang Facebook post naman, ipinaliwanag ni Major Timbancaya na siya ay kasalukuyang nasa Training and Educational Program for Law Enforcement Officers (TEPLEO) seminar sa Asturias Hotel, Puerto Princesa City, kaya hindi siya nakadalo sa nasabing seremonya.
Dagdag pa niya, “I need to explain, like what Attorney Gadon’s saying… I never requested it, I never ask for it. Basic procedural tayo. Relax. Do what you can, and I will follow, no worries,” ani Timbancaya.
Discussion about this post