300 pamilya sa coastline target i-relocate ng LGU Brooke’s Point

People put a sand barrier to their homes to avoid the entering of water inside their home

Nais ilipat ng lokal na pamahalaan ng Brooke’s Point, Palawan ang mga residenteng nakatira malapit sa mga baybayin upang hindi maapektuhan sa mga panahong tumataas ang tubig dagat sa kanilang lugar. Ayon kay Mayor Mary Jean Feliciano.

“Nung mga 70’s, yung lugar na yan [ay] maraming bahay tapos may kalsada pa diyan after ng mga bahay [bale] kalsada bago dagat. Ngayon tignan mo kumbaga yung climate change ba kaya nga sinasabi ko nga sa mga tao keri ba yan?”

Hinihiling naman ng alkalde na makipagtulungan ang mga residenteng sa mga lokal na opisyales upang maasikaso ang lugar na kanilang lilipatan.

“Tuloy-tuloy pa yun [pagtaas ng tubig dagat] kaya yung iba nasa coastline ay wag na namang magmatigas pa na wag lumipat kumbaga may mga relocation dyan na nakahanda… sa isang area naming more or less nasa 300 families siguro yun ang pwede lang mabigyan kasi yung relocation namin may pang coastal [at] merong pambundok.”

Aniya ang magiging proseso nila ngayon ay “first come, first serve” sa mga payag magpa-relocate.

“Ngayon, [ang] sabi ko ay first come, first serve. Kung sino yung willing magpa-relocate [at] ‘pag gusto mong maka-avail ng isang lote, basically, i-abandon mo yung bahay mo dyan… Pumunta lang dito sa munisipyo makipag-coordinate dito sa aming relocation committee kasi ayaw ko ng pipilitin sila.”

Dagdag pa nya na ang pagtaas ng tubig dagat ay matagal nang nararasan ng mga nakatira sa baybaying dagat kaya puspusan ang kanilang pakiusap na tuluyang lisanin ang lugar.

“May nangyaring ganoon sa amin [at] talagang hard. Binigyan na namin ng P20,000 pesos, meron ng lote [at] binigyan pa namin ng mga graba para makapagpatayo ng bahay. Eh yung iba hindi pa umalis [at] doon pa din. Yung iba ayaw [kasi] maraming demand. I mean hindi pwede kumbaga mahal na ang lupa. Kung nasaan yung relocation naming dapat doon.”

Samantala, pinapaalalahanan niya ang mga residente na samantalahin ang oportunidad sa pagkakaroon ng sariling lupa.

“Napakasuwerte na magkaroon ka ng lupa na 100 sqm. Sabi ko nga alam niyo ba yung lupa na yan habang tumatagal ang panahon pamahal nang pamahal yung presyo nun. [At] pagdito na ang kapitolyo sa Brookes Point [ay] tataas pa yung presyo niyan.”

Exit mobile version