Alienable and disposable lands ng Palawan, maaaring i-revert ang reclassification sa pagiging forest timberland

Maraming mga alienable and disposable lands sa lalawigan ng Palawan ang maaaring ibalik sa pagiging forest timberland.

 

Ito ang binigyang diin ni Provincial Environment and Natural Resources Officer ng Palawan Zaldy Cayatoc sa panayam ng Palawan Daily.

 

Sinabi ni PENRO Cayatoc, noong mga nakalipas na panahon ang pagre-reclassify ng lupa ay gumagamit lamang ng instrumentong de manwal o compass.

 

Dahil sa kaganapang ito, nagpapatupad na ngayon ang DENR ng tinatawag na “one-control movement” upang yaong mga areas na naclassify bilang A and D land (alienable and disposable) ay mai-revert back bilang forest timberland.

 

Itinanggi din ni Cayatoc na ang aksyong ito ay gawa ng mga resolusyong isinulong ng ilang mga pulitiko, bagkus ay kanyang ikinatwiran na noong unang panahon nagkaroon ng land reclassification na iisa lamang ang taong gumaganap hawak ang instrumentong box compass.

 

Dahil dito ang mga lupang naturan ay nagkaroon ng reprojection at replotting sa National Mapping Resources Information Agency (NAMRIA) bilang attached agency ng DENR upang mailabas nito ang corrected land reclassification.

 

Nguni’t yaong nasakop na mga areas ng lampas sa 18% slope, dahil nararapat sana yaong hindi hihigit sa 18% slope lamang ang maaaring maideklara nguni’t sakaling ito ay may mga taong naninirahan na papasok naman ang pagpapatupad ng Republic Act 7611, kung maaaring pahintulutan o hindi silang manatili sa lugar.

 

Sakaling ito ay magkaroon ng kapahintulutan batay sa batas ang mga naninirahan ay papatuparan ng programa ng DENR katulad ng forest management program upang makontrol ang pagpapatuloy nilang pumasok sa mga forest timberland areas ng lalawigan.

 

Binigyang diin ni Cayatoc, hindi na kailangan ang pagsasampa ng kaso sa mga mahahagip ng reclassification bagkus ay isasama na lamang sila sa naunang 37 na mga community-based forest management programs ng kagawaran.

Exit mobile version