Armas at bala, narekober sa Bayan ng Brooke’s Point

Narekober ang isang Armscor 12 Gauge Shotgun na may limang 12 gauge ammos at isang Manual Bar Cutter sa Brgy. Calasaguen, Maasin, Mambalot, Ipilan at Aribungus, Brookes Point, Palawan ganap na 10:35AM noong November 22, 2021.

Sa ginawang “Oplan Maasin” operation ng 1st Palawan Provincial Mobile Force Company (PPMFC), Palawan Provincial Intelligence Unit (PALPIU), Brooke’s Point Municipal Police Station (MPS), Provincial Intelligence Team (PIT) Palawan, Regional Intelligence Unit 4B (RIU4B), 3rd Marine Brigade (MBde), at Marine Battalion Landing Team (MBLT) 4 sa tulong ng Kapatiran ng mga Dating Rebelde (KADRE), pinaniniwalaang pag-aari ang mga ito ng Communist Terrorist Group (CTG).

Isang dating miyembro ng CTG na si ka Nonoy ang sumuko sa 1st Palawan Provincial Mobile Force Company at itinuro kung saan matatagpuan ang mga armas.

Samantala, nasa pangangalaga na ng 1st PMFC ang mga baril at bala na narekober.

Exit mobile version