Bagong Municipal Hall ng Bataraza, pinasinayaan

Opisyal nang pinasinayaan ang bagong gusali ng Munisipyo ng Bataraza, sa pangunguna ni Mayor Hji. Abraham M. Ibba. Kasama niya ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Department Heads, mga Kapitan, at mga kinatawan mula sa m national government agencies.

Ang bagong gusali ay may pondong ₱130 milyon. Ang tatlong-palapag na gusali ay may mga modernong pasilidad tulad ng automatic na pinto, escalator, elevator, solar power, at generator set para sa mas matipid na paggamit ng elektrisidad.

Nagbigay ng mensahe sina Sangguniang Bayan Member Laurence Amores at Vice Mayor Johnmain A. Jaafar.
Ayon kay Mayor Ibba, ang layunin ng bagong gusali na itinayo ay para sa mga mamamayan ng Bataraza upang mapalawig ang pampublikong serbisyo at mga programa na tutugon sa pangangailangan ng komunidad.

Binigyan ng Sertipiko ng Pagpapahalaga ang Land Bank of the Philippines, Municipal Engineering Office, at Cebu 7H Petrochyem Industries Inc. para sa kanilang kontribusyon sa pagtatayo ng gusali.

Nanumpa rin sa kanilang posisyon sina Rodolfo N. Flordeliza Jr. bilang bagong department head ng MDRRMO at Dr. Tirso P. Segundo bilang department head ng MSWDO.

Nagkaroon naman ng office tour sa loob ng bagong gusali at ang pag-turn-over ng mga susi ng bawat opisina sa pangunguna nina Mayor Ibba at Vice Mayor Jaafar.
Exit mobile version