Chinese national, nalunod sa Nacpan Beach

Photo courtesy: MDRRM El Nido

EL NIDO, PALAWAN– Patay ang isang turista sa Barangay Bucana bayan ng El Nido matapos malunod sa Nacpan Beach, pasado 11:00 ng umaga, Agosto 9.

Kinilala ang turistang biktima na si Sesane Suoan, 48 anyos, Chinese at mula sa Chongqing, China.

Ayon sa rumespondeng lifeguard na si Dennis Canopin, habang nasa roving sila, isang turistang lalaki ang tumawag sa kanila at humingi ng saklolo. Agad namang pinuntahan ng rescue team ang nasabing turistang humingi ng tulong ngunit wala ng malay ang biktima.

Dagdag pa ng lifeguard malapit lang sa pangpang ang biktima. Sinubukan pang i-rescue ng lifeguard ang turista ngunit wala na itong buhay.

Sa salaysay ni Ginoong Welfred Tabang ang Tourist Information Officer, “As of 9:00 ng umaga ay pumasok sila sa Nacpan Beach at normally lahat ng turista na pumupunta sa lugar sa may entrance pa lamang ay bini-briefing yan po sila kung ano yung do’s and don’ts.

“Aniya ay tuwing umaga ay nagkakaroon sila ng pagpupulong kasama ang kanilang mga lifeguards para pag desisyunan kung mamarapatin ba ng kanilang ahensya ang magpaligo sa nasabing lugar at kung anong lalim ang dapat paliguan ng mga turista. “Every morning nag memeeting kami ng mga lifeguards.

Sila ang nagde-decide kung pwede ba o hindi allowed ang pagpapaligo, at kung allowed naman, kung gaano kalalim at kung saan bandang area,” aniya.

Exit mobile version